subject
History, 18.10.2021 20:40 chloeethoma24

ARALIN 2: Teknikal at Bokasyunal na Sulatin GAWAING PAMPAGKATUTO
PANIMULA
Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay napakahalaga sa paraan ng pagsulat at
komunikasyon para sa propesyunal na pagsulat tulad ng ulat panglaboratoryo, mga proyekto,
mga panuto, at mga dayagram. Ang teknikal na pagsulat ay mahalagang bahagi ng industriya
dahil dito ay nagbibigay ng mahalagang dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng mga produkto
at paglilingkod sa bawat industriya. Malaki rin ang naitutulong sa paghahanda ng mga teknikal na
dokumento para sa kaunlaran ng teknolohiya upang mapabatid ito nang mas mabilis, episyente,
at produktibo.
PAGTALAKAY SA ARALIN
Ang pokus ng teknikal-bokasyonal na pagsulat ay ang introdaksyon ng mag-aaral sa iba't-
ibang uri ng pagsulat na kailangan sa mga gawaing may teknikal na oryentasyon. Anumang uri
ng propesyonal sa gawain ang ginagawa mo, maaaring ito ay nangangailangan ng mga gawaing
pagsulat at marami rito ay likas na teknikal. Habang mas marami ang alam mo ukol sa batayang
kasanayan sa teknikal na pagsulat , mas mahusay na pagsulat ang magagawa mo.
Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay komunikasyong pasulat sa larangang may
espesyalisadong bokabularyo tulad ng agham, inhenyera, teknolohiya, at agham pangkalusugan.
Karamihan sa mga teknikal na pagsulat ay tiyak at tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto. Ito
ay payak dahil ang hangarin nito ay makalikha ng teksto na mauunawaan at maisasagawa ng
karaniwang tao. Mahalaga na ang bawat hakbang ay mailarawan nang malinaw, maunawaan at
kumpleto ang ibinibigay na impormasyon . Dagdag pa rito, mahalaga rin ang katumpakan ,
pagiging walang kamaliang gramatikal, walang pagkakamali sa bantas at may angkop na
pamantayang kayarian. Ang teknikal na pagsulat ay naglalayong magbahagi ng impormasyon at
manghikayat sa mambabasa.
Mga Halimbawa ng Teknikal at Bokasayunal na Sulatin:
1. Manwal
2. Flyers/Leaflets
3. Liham Pangnegosyo
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Nabibigyang-kahulugan ang teknikal at bokasyunal na sulatin Code
PANUTO: Ibigay ang mga kasagutang hinihingi ng bawat pagsasanay.
Gawain 1: Magbigay ng mga halimbawang babasahin ayon sa mga sumusunod na larangan:
Agham
Inhenyera
Teknolohiya
Agham
Pangkalusugan

ansver
Answers: 1

Other questions on the subject: History

image
History, 22.06.2019 05:00, avahrhey24
Plz , ive been stuck on this forever. what action did president jefferson take to stop britain and france from seizing american merchant ships. a. he declared war on france. b. he called for increased tariffs on british and french goods. c. he called for embargo on all foreign trade. d. he declared war on britain.
Answers: 2
image
History, 22.06.2019 06:30, Dallas3506
Why did louis xvi call a meeting of the estates-general in 1789? how long had it been since such a meeting had been called?
Answers: 2
image
History, 22.06.2019 07:00, makaylahollandmay21
Based on the excerpt, what does the war powers resolution do?
Answers: 1
image
History, 22.06.2019 07:30, markjiron2880
Explain the importance of carnegie, morgan, and rockefeller on the american political scene of the early 1900's.
Answers: 1
You know the right answer?
ARALIN 2: Teknikal at Bokasyunal na Sulatin GAWAING PAMPAGKATUTO
PANIMULA
Ang teknikal...

Questions in other subjects:

Konu
Business, 26.06.2019 02:30